Ayon sa Xinhua News Agency, idaraos bukas ng umaga, Marso 16, 2016, sa Great Hall of the People ang pulong ng pagpipinid ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Pagbobotohan sa pulong ang pitong burador na resolusyong kinabibilangan ng Government Working Report, Outline ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano tungkol sa Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan, Kalagayan ng Pagsasakatuparan ng Plano ng Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan noong 2015 at Plano ng Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan sa 2016, at iba pa.
Pagkaraang ipinid ang naturang sesyon, haharap si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, at sasagutin niya ang mga tanong mula sa mga mamamahayag. Sa panahong iyon, isasagawa ng China National Radio (CNR), China Central Television (CCTV), at China Radio International (CRI), ang live coverage tungkol dito.
Salin: Li Feng