Idinaos alas-9 ng umaga, Marso 16, 2016, sa Great Hall of the People ang pulong ng pagpipinid ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Pinagbotohan sa pulong ang pitong burador na resolusyong kinabibilangan ng Government Working Report, Outline ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano tungkol sa Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan, Kalagayan ng Pagsasakatuparan ng Plano ng Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan noong 2015 at Plano ng Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan sa 2016, at iba pa.
Salin: Li Feng