Si Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC
Ayon sa Xinhua News Agency, pagkaraang kasiya-siyang matapos ang iba't-ibang agenda ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipininid ito sa Great Hall of the People kaninang umaga, Marso 16, 2016. Inaprobahan sa pulong ang Government Working Report, Outline ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano tungkol sa Pag-unlad ng Pambansang Kabuhayan at Lipunan, Ulat ng Paggawa ng Pirmihang Lupon ng NPC, at iba pa. Pinagtibay din ang "Charity Law," at nilagdaan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang utos na pampanguluhan bilang 43 para isapubliko ang nasabing batas.
Nangulo sa pulong si Zhang Zhejiang, Pirmihan at Tagapagpaganap na Tagapangulo ng Presidium ng Pulong, at Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC. Dumalo rito ang mga lider ng bansa na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang, Yu Zhengsheng, Liu Yunshan, Wang Qishan, at Zhang Gaoli.
Salin: Li Feng