Ini-nominate noong Marso 25, 2016 sa pulong ng Pederal na Parliamento ni Pangulo Htin Kyaw ng Myanmar ang mga miyembro ng bagong Union Election Commission (UEC) para i-organisa at superbisahin ang halalan ng Myanmar sa susunod na 5 taon.
Ipinatalastas sa nasabing pulong ni Mahn Win Khaing Than, Tagapangulo ng Pederal na Parliamento ang nominasyon ng bagong pangulo. Aniya, kung walang pagtutol, nakatakdang kumpirmahin ngayong araw ng parliamento ang panunungkulan ng 5 miyembro.
Ayon sa kasalukuyang Konstitusyon ng Myanmar, di-kukulangin sa 5 ang miyembro ng UEC. Noong nagdaang sesyon, ang UEC ay binuo ng 16 na miyembro.
Salin: Andrea