Bilang bahagi ng "Saber Strike 2016," sinimulang idaos nitong Lunes, Hunyo 6 hanggang Hunyo 21, 2016, sa Pabrade, Lithuania ang magkasanib na ensayong militar, na tinatawag na "2016 Iron Wolf." Sumapi sa pagtitipong ito ang mga 5,000 sundalo mula sa Lithuania, Denmark, Pransya, Alemanya, Luxembourg, Poland, at Amerika.
Ang "2016 Saber Strike" ay itinataguyod ng hukbong panlupa ng Amerika na nakatalaga sa Europa. Inisponsor ito ng mga bansa sa Baltic Sea, na kinabibilangan ng Lithuania, Latvia, at Estonia. Mga 10 libong sundalong mula sa 13 bansa ng North Atlantic Treaty Oraganization(NATO), na gaya ng Amerika, Britanya, Denmark at iba pa ang kalahok. Ang ensayo ay tatagal mula noong Mayo 27 hanggang Hunyo 23, 2016.