KINONDENA ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang pinakahuling pananalkay sa paliparan sa Istanbul na ikinasawi ng may 42 katao at ikinasaguat ng halos 200 iba pa.
Naganap ang pagpapasabog kamakalawa ng ikatlo ng madaling araw, oras sa Pilipinas. Sa pahayag ng Kagawaran, nakikiisa ang Pilipinas sa pandaigdigang pakikibaka sa terorismo. Pinuri ng Pilipinas ang ginawa ng mga kawal at tauhan ng pulisya na naging dahilan ng madaliang pagtugon. Naging dahilan din ito ng pagbabawas sa kapahamakan ng mga mamamayan.
Walang natatanggap na balita ang Embahada ng Pilipinas sa Ankara hinggil sa Filipino citizen na napahamak o nasugatan sa pananalakay ng mga terorista. May ugnayan sa pagitan ng Embahada ng Pilipinas at mga mamamayan at samahan ng mga mag-aaral. May regular na impormasyong nakakarating sa Embahada at naipadadala naman sa mga Filipino sa pamamagitan ng social mdia at e-group.
May ugnayan din ang Embahada sa mga autoridad sa Turkey at mga kasapi ng Filipino community at maging sa Ministry of Interior, Ministry of Foreign Affairs at maging sa Turkish General Staff.
Ipinarating din ni pamahalaan ang pakikiramay sa mga pamilyang naulila at mga kaibigan ng mga biktima ng karahasan.