|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakalawa, Hulyo 4, 2016, ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Biyetnam na ang pagsasagawa ng Tsina ng pagsasanay militar sa South China Sea ay lumalapastangan sa soberanya ng Biyetnam, at nagsasapanganib sa seguridad sa dagat. Hiniling din niya sa panig Tsino na itigil ang naturang pagsasanay.
Kaugnay nito, sa isang regular na preskong idinaos sa Beijing ngayong araw, Hulyo 6, 2016, ipinahayag ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagsasanay militar sa nasabing karagatan ay nabibilang sa loob ng suliraning panloob ng Tsina. Hindi ito aniyang nakakatuon sa espesyal na bansa.
Mula ika-5 hanggang ika-11 ng kasalukuyang buwan, idaraos ng hukbong pandagat ng Tsina ang pagsasanay militar sa karagatang nakapaligid sa Xisha Islands. Ayon sa Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, ito ang isang regular na pagsasanay ng hukbong pandagat ng bansa ayon sa taunang plano.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |