|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag kamakailan ng mga eksperto at iskolar na dumadalo sa "Maritime Dispute Settlement International Law Seminar" sa Hong Kong, na ang umano'y pinal na hatol na ginawa ng Arbitral Tribunal tungkol sa kaso ng arbitrasyon sa isyu ng South China Sea, ay isang invalid na kapasiyahang may masamang intensyon, at hindi angkop sa diwa ng pandaigdigang batas. Ang layon nito anila ay makuha ang political target sa paggamit ng ilang probisyon ng "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)."
Ipinalalagay ni John Carty, Propesor ng Tsinghua University, na may masamang layunin ang pagsipi at paliwanag ng naturang hatol sa UNCLOS. Mula sa nilalaman, ginamit aniya ng hatol ang ilang probisyong pabor sa Pilipinas, ngunit binawela nito ang maraming probisyong di-pabor sa bansa. Ito aniya ay lubos na di-tamang paggamit ng UNCLOS.
Ipinahayag naman ni Michael Gau, Propesor ng National Taiwan Ocean University (NTOU), na sa esensya, ang nasabing hatol ay isang award ng paghahati ng hanggahan, at ito rin ay isang award na labis sa kapangyarihan. Aniya, ito ang dahilan ng di-pakikilahok ng Tsina sa arbitrasyon mula simula. Ipinalalagay din niya na sa kasalukuyan, ang bilateral na talastasan ay siyang tanging kalutasang katanggap-tanggap sa dalawang panig.
Ipinahayag ni Abdul Gadire Koroma, dating hukom ng International Court of Justice (ICJ), na napakalinaw na nakikitang ang naturang umano'y hatol ng arbitral tribunal ay may kontrobersya. Kaya, nagresulta ito sa mainitang pagtalakay ng komunidad ng daigdig. Ang kontrobersyang ito ay nakikita, pangunahin na, sa dalawang aspekto: una, kung mayroon o walang kapangyarihan ang arbitral tribunal sa pangangasiwa. Ito aniya ay hindi pa nalulutas hanggang sa ngayon. Ikalawa, ang ilang bagay sa resulta ng hatol ay walang anumang paunang halimbawa. Ipinalalagay niya na ang atityud ng Pamahalaang Tsino na hindi pakikilahok at pagtanggap sa kaso ng arbitrasyon, ay hindi sumasagisag sa hindi paggalang ng Tsina sa pandaigdigang batas. Ang di-pagtanggap ng Tsina ng hatol ay may pundasyong pambatas, dagdag niya.
Mula nitong Biyernes hanggang Sabado, idinaos sa Hong Kong ang "Maritime Dispute Settlement International Law Seminar." Dumalo rito ang mahigit 210 eksperto at iskolar sa pandaigdigang batas at batas na pandagat, mula sa mahigit 10 bansa't rehiyong gaya ng Tsina, Amerika, Australia, at Pransya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |