Kaugnay ng G20 Summit na idaraos mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre sa Hangzhou ng Tsina, ipinahayag ni Zhuang Juzhong, Pangalawang Punong Ekonomista ng Asian Development Bank (ADB), na ang idaraos na G20 Summit ay magpapasigla nang malakas sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig. Ito rin aniya ay gaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi niyang ang Tsina ay patuloy na magbibigay ng kapansin-pansing ambag para sa kaunlaran at katatagan ng kabuhayang pandaigdig.