Sina Chen Xiaodong (sa kaliwa) at Mrs. Tan Ching Yee (sa kanan)
Kinatagpo kamakailan ni Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore, si Mrs. Tan Ching Yee, Tagapagkoordina ng Singapore sa mga Suliranin ng G20. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa gawaing paghahanda para sa gaganaping G20 Summit sa Hangzhou.
Sinabi ni Chen na inaasahan ng panig Tsino ang pagdalo ni Punong Ministro Lee Hsien Loong sa naturang summit. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Singapore, para matamo ng G20 Summit sa Hangzhou ang kasiya-siyang tagumpay.
Pinasalamatan naman ni Tan Ching Yee ang imbitasyon ng Tsina sa kanyang bansa na lalahok sa nasabing summit bilang panauhing bansa. Nakahanda aniya ang Singapore na panatilihin ang pakikipagkoordina at pakikipagsanggunian sa Tsina tungkol dito.
Salin: Li Feng