![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Beijing — Idinaos nitong Lunes, Setyembre 26, 2016, ang Ika-5 Work Meeting hinggil sa Usapin ng mga May Kapansanan ng Tsina. Tinukoy sa pulong na noong panahon ng "Ika-12 Panlimahang-Taong Plano," mabilis na umunlad ang usapin ng mga taong may kapansanan ng bansa. Sa hinaharap, kokompletuhin sa kabuuan ang sistema ng paggarantiya sa karapatan at kapakanan ng mga disabled people, at ibayo pang pabubutihin ang pundamental na serbisyong pampubliko para sa naturang mga tao.
Noong panahon ng "Ika-12 Panlimahang-Taong Plano," natamo ng nasabing usapin ng Tsina ang napakalaking progreso sa mga aspektong gaya ng paggaling, edukasyon, hanap-buhay, pag-ahon sa kahirapan, kultura, at palakasan ng mga taong may kapansanan. Halimbawa, sa antas ng estado, itinatag sa kauna-unahang pagkakataon, ang balangkas ng sistema ng pagbibigay ng pundamental na subsidy sa mga disabled people. Bunga nito'y nakikinabang dito ang halos 20 milyong mahihirap na taong may kapansanan.
Tinukoy ni Lu Yong, Direktor-Heneral ng China Disabled Persons' Federation (CDPF), na ang kabuuang target ng "Ika-13 Panlimahang-Taong Plano" ay kokompletuhin sa kabuuan ang sistema ng paggarantiya, ibayo pang pabubutihin ang pundamental na serbisyong pampubliko sa mga disabled people, buong sikap na isasakatuparan ang koordinadong pag-unlad ng usapin ng mga taong may kapansanan, kabuhayan, at lipunan, patataasin nang malaki ang lebel ng garantiyang panlipunan at pundamental na serbisyong pampubliko para sa naturang mga tao.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |