|
||||||||
|
||
Malacanang, Armed Forces at mga Marcos, inutusang sumagot sa petisyon sa Korte Suprema
INUTUSAN ng Korte Suprema ang Malacanang, ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga Marcos na sumagot sa appeal at contempt case na inihain ng human rights advocates at mga biktima ng Martial Law.
Ang mga inutusang sumagot ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang Armed Forces of the Philippines at mga naulila ni Pangulong Marcos na sina Governor Imee Marcos at dating Senador Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. kasama na rin si Congresswoman Imelda Romualdez Marcos.
Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, may sampung araw ang mga nabanggit upang sumagot at magpadala ng kanilang mga pahayag.
Hiniling nina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo sa pamamagitan ng National Union of People's Lawyers at Albay Congressman Edcel Lagman sa hiwalay na petiston na baliktarin ng Korte Suprema ang naging desisyon na pumayag na ilibing ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |