|
||||||||
|
||
Bagong Arsobispo ng Ozamiz, itatalaga
BUKAS ng umaga itatalaga si Arsibispo Martin Sarmiento Jumoad bilang Arsobispo ng Ozamiz sa isang Misa sa Katedral ng Immaculada Concepcion. Pamumunuan ito ni Arsobispo Guiseppe Pinto, ang Apostolic Nuncio to the Philippines.
May 20 mga obispo at higit sa 100 pari ang dadalo sa pagtatalaga. Mula sa Cebu si Arsobispo Jumoad at naordenan sa pagkapari sa Prelatura ng Isabela sa Basilan noong ika-pito ng Abril 1983.
Nahirang siyang Obispo ng Isabela de Basilan sa edad ng 45 noong ika-21 ng Nobyembre, 2001. Naordenan siyang obispo noong ika-sampu ng Enero, 2002.
Siya ang kahalili ni Arsobispo Jesus Armamento Dosado, mula sa Congregation of Missions na namuno sa Arkediyosesis sa loob ng 33 taon.
Nasasaklaw ng Archdiocese of Ozamiz ang mga Diocese ng Dipolog, Iligan, Pagadian at ang territorial prelature of Marawi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |