|
||||||||
|
||
Pinuno ng National Historical Commission, nagbitiw, pagpapalibing kay Marcos, tinuligsa
NAGBITIW na sa kanyang posisyon bilang chairperson ng National Historical Commission of the Philippines si Maria Serena Diokno bilang protesta sa pagpapalibing ni Pangulong Duterte sa kontrobersyal na dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos.
Ang kanyang pagbibitiw magkakabisa ito sa unang araw ng Disyembre. Isang pagkilos sa tamong direksyon ng Kasaysayan ang kanyang pagbibitiw. Mas makabubuting mapasapanig siya ng Kasaysayan ng mga Mamamayan at hindi sa Kasaysayan ni Pangulong Duterte. Sa pagpapalibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani, binura ni Pangulong Duterte ang mga kamalian ni G. Marcos.
Pinuna ni Bb. Diokno si Pangulong Duterte sa pagsasabing walang pag-aaral sa liderato ni Marcos at pinawalang-saysay ang mga paghahabol ng mga biktima ng Martial Law.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |