Idinaos kahapon dito sa Beijing ang pulong ng Tsina at Biyetnam sa isyung panghanggahan.
Positibong pinapurihan ng dalawang panig ang mga natamong bunga sa aspekto ng magkasamang paggalugad na pandagat, pamamahala sa hanggahang panlupa at iba pa. Sumang-ayon din ang dalawang panig na patuloy na tupdin ang mga proyektong pangkooperasyon sa langis at pangingisda sa Beibu Gulf at magkasanib na pamamatrolya para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong pandagat na ito.
Samantala, binigyan-diin ng dalawang panig na lubos na patingkarin ang mekanismo ng talastasan, tumpak na kontrolin ang alitan, matatag na pasulungin ang substansyal na kooperasyon at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam.