Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, nagpadala kahapon ng mesahe ng pakikiramay si Primyer Li Keqiang ng Tsina kay Angela Merkel, Punong Ministro ng Alemanya hinggil sa teroristikong pagsalakay sa Christmas market.
Sa mensahe, ipinahayag ni Li na lubos niyang ikinagulat ang naganap na teroristikong pagsalakay sa Berlin noong Disyembre 19 na humantong sa maraming kalsuwalti. Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, nagpahayag siya ng taos-pusong pakikidalamhati sa mga biktima, taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan at umaasang mabilis na gagaling ang mga sugatan. Samantala, buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang pagsisikap ng Alemanya sa pagbibigay-dagok sa terorismo at pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa Alemanya at komunidad ng daigdig para magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan.