Ayon sa "Ika-13 Panlimahang-taong Plano sa Ligtas na Produksyon," na isinapubliko kamakailan ng lalawigang Yunnan, Tsina, nakatakdang itayo ang state emergency aid base, bilang tugon sa ibat-ibang sakuna na posibleng maganap sa produksyon ng Yunnan sa pagmimina, pagpoprodyus ng mapanganib na kemikal, pagkuha ng langis at natural na gas, at iba pa.
Ayon sa ulat, ang nasabing plano ay sasaklaw sa rehiyong Timog Asya at Timog Silangang Asya.