Ang unang batch ng materyales na panaklolo na ipinagkaloob ng Yunnan, lalawigan sa dakong timog-silangan ng Tsina at kahangga ng Myanmar, bansang nasalanta ng baha, ay tumawid sa hanggahan at dumating ng Myanmar. Nakatakdang ihatid bukas ang mga ito sa Mandalay at ibabahagi sa mga apektadong mamamayang lokal.
Kabilang sa unang batch ng materyal na panaklolo, na lulan ng 14 trak na may lamang 30 toneladang kargamento bawat isa, ay tolda, bigas, powdered milk at instant noodle.
Inihahanda ngayon ng Yunnan ang pangalawang batch ng tulong na pangkapigitan.
Bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan, 13 sa 14 na lalawigan/estado ng Myanmar ang nasalanta ng baha. Di-kukulangin sa 69 ang namatay at mahigit 250,000 mamamayan ang apektado.
Salin: Jade