Ipinahayag Linggo, Marso 12, 2017 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang military-civilian integration ay isang mahalagang estratehiya para pasulungin ang pag-unlad ng teknolohiyang militar.
Lumahok si Xi sa pulong ng delegasyon ng People's Liberation Army (PLA) sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Sinabi ni Xi na ang mga teknolohiyang pansibilyan ay maaring gamitin ng panig militar at ang mga teknolohiyang militar naman ay maaring gamitin para sa mga serbisyong pampubliko.
Sinabi din ni Xi na ang pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya ay nagpapasulong ng pagbabago ng paraan ng pamumuhay at paggawa ng sangkatauhan. Kaya aniya, dapat pahigpitin ang konstruksyon ng puwersang militar ng Tsina sa pamamagitan ng inobasyon ng siyensiya at teknolohiya.