Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-17 ng Marso 2017, sa Davao City, si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, kay Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina.
Ipinahayag ni Duterte ang kasiyahan sa kasalukuyang kalagayan ng relasyong Pilpino-Tsino, at pinasalamatan niya ang Tsina sa ibinigay nitong pagkatig at tulong sa Pilipinas. Nakahanda aniya ang Pilipinas, kasama ng Tsina, na patuloy na palawakin ang pragmatikong kooperasyon, at palalimin ang relasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa ni Duterte, sa isyu ng South China Sea, umaasa ang Pilipinas, na isasakatuparan, kasama ng Tsina, ang pagtitiwalaan at mapagkaibigang pakikipamuhayan, sa halip ng pagsasalungatan.
Sinabi naman ni Wang, na malawak ang prospek at malaki ang potensyal ng kooperasyong Sino-Pilipino. Ani Wang, ang layon ng kanyang pagdalaw na ito ay pagdaragdag ng komong interes ng dalawang bansa, at pagdulot ng mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Pilipinas, na ibayo pang palakasin ang kooperasyon, pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, maayos na hawakan ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, at pangalagaan ang mainam na tunguhin ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai