Ayon sa "Prospek ng Pag-unlad ng Asya sa Taong 2017" na ipinalabas nitong Huwebes, Abril 6, 2017, ng Asian Development Bank (ADB), aabot sa 5.7% ang bahagdan ng paglaki ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng rehiyong Asya-Pasipiko sa taong 2017 at 2018.
Anang ulat, sa epekto ng masiglang pangangailangang panlabas, pagtaas ng commodity price sa buong mundo, repormang panloob ng mga bansa, at iba pa, bumilis ang paglaki ng kabuhayan ng 2/3 ng mga bansang Asyano. Bunga nito'y nananatili pa ring pinakamalaking tagapag-ambag ang rehiyong ito sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng