|
||||||||
|
||
Para sa napakaraming tao, maaring matapos ang napakaraming bagay sa loob ng 36 na taon. Ngunit para kay Huang Dafa, miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa nayong Tuanjie ng lunsod Zunyi sa dakong timog kanluran ng bansa, iisang bagay lang ang kanyang ginawa sa loob ng 36 na taon: ang paggawa ng kanal na may habang ilampung kilometro sa palibot ng bangin.
Bago ang taong 1995, dahil sa di-magandang likas na kondisyon, at kakulangan sa tubig, parating mahirap ang kalagayan ng bawat residente ng nayong Tuanjie. Madalas ding nagkukumahog ang mga residente sa paghahanap ng tubig.
Pero noong taong 1959, isang batang nagngangalang Huang Dafa ang sumapi sa CPC. Sa taong ito'y pinili niyang maging kadre ng nayong Tuanjie. Ang paggawa ng kanal ang kanyang unang naisipang gawin.
Sa loob ng sumunod na 36 na taon, napawi ni Huang Dafa ang napakaraming kahirapang gaya ng likas na kondisyon, teknolohiya, lakas manggagawa, at pondo: pinanumuan din niya ang mga residente sa paggawa ng kanal. Natapos ang proyektong ito noong taong 1995. Kaya, tinawag itong "Dafa Canal" ng mga residente.
Ang kanal ay hindi lamang lumutas sa problema ng kakulangan sa tubig ng lokalidad, kundi nakapagbigay rin ng bagong pag-asa para sa pag-unlad ng buong nayon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |