![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa malalim na kabundukan ng lunsod ng Zunyi sa dakong timog kanluran ng Tsina, bantog na bantog ang "Dafa Canal." Nitong mahigit 20 taong nakalipas, ang kanal na itong ginawa sa palibot ng bangin ay hindi lamang nagpapatubig sa lupang lokal, kundi maging sa mga residenteng naninirahan sa kahabaan nito. Sa ngayon, may bagong tungkulin ang kanal na ito.
Ang nayong Tuanjie
Dahil ang "Dafa Canal" ay ginawa ng mga residente ng nayong Tuanjie ng lunsod ng Zunyi, sa pamumuno ni Huang Dafa, miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at kadre ng nayong ito, tinawag itong "Dafa Canal" ng mga residente. Ito ay may habang ilampung kilometro. Ang kanal ay hindi lamang nakakapagbigay ng tubig sa nayong Tuanjie kung saan may grabeng kakulangin sa tubig, kundi nakakapagbigay rin ng pag-asa sa mga residente doon sa pagbabago ng kanilang kapalaran.
Ang nayong Tuanjie
Makaraang makuha ang tubig, pinamunuan din ni Huang Dafa ang mga taga-nayon sa pagpapaunlad ng planting industry. Sa ngayon, ang lawak ng pinagtataniman ng mga sakahan ay umabot sa 50 hektarya, at umakyat din sa 400 libong kilogram ang taunang output mula 30 libong kilogram. Bunga nito'y nakakakain ng kanin ang mga residente doon.
Bukod dito, salamat sa pagkakaroon ng tubig, puspusang pinauulad ng mga residente ang espesyal na animal husbandry industry kung saan nakikinabang sila nang malaki.
Ang nayong Tuanjie
Sa kasalukuyan, nagiging mas popular ang "Dafa Canal." Nais itong puntahan ng maraming tao. Bilang tugon, handa na ang nayong Tuanjie na galugarin ang rural tourism.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |