Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Philippine Consulate General sa Guangzhou, ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan

(GMT+08:00) 2017-06-13 08:47:19       CRI

Ceremonial Toast sa pagitan ng mga opisyal Pilipino at Tsino

119 na taon matapos makamtan ang kasarinlan, ang Pilipinas ngayon ay isa sa mga pinakamasigla at maunlad na ekonomiya sa Asya. Ito ay ipinahayag ni Consul General Marie Charlotte Tang ng Konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou, Guangdong Province ng Tsina, Hunyo 12, 2017.

Si Consul General Tang kasama ang coverage team ng CRI Filipino Service na binubuo nina Jade Xian (kanan) Wang Le (kaliwa) at Mac Ramos ( ikalawa mula kaliwa)

Kasabay ng pagdiriwang ng Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-samang Balikatin, sa Garden Hotel, ipinagdiwang din ngayong araw ang Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Philippine Consulate General sa Guangzhou.

Sinariwa ni Consul General Tang ang panahon nang buksan ang konsulado noong Marso 23, 1997. Aniya, ang Guangdong noon ay umakit ng pansin ng mundo dahil sa pagiging bukas at masigasig sa kalakalan. At sa kasalukuyang panahon patuloy na hinahangaan ang lalawigan dahil sa pangunguna nito sa negosyo, teknolohiya at inobasyon.

Sa ngayon, dagdag niya na 30% ng kalakalang Sino-Pilipino ay dumadaan sa Guangdong at pinadadali ng 37 regular flights sa pagitan ng lalawigan at Pilipinas ang pagpapalitan ng iba't ibang sector.

Guangdong nais palakasin ang kooperasyon sa Pilipinas

Talumpati ni Gan Zhengmeng, Deputy Director-General ng General Office ng Guangdong Provincial Government

Sa kanya namang pahayag, sinabi ni Gan Zhengmeng, Deputy Director General ng General Office ng Guangdong Provincial Government na hangad ng kanyang lalawigang higit pang palakasin ang kolaborasyon sa Pilipinas sa iba't ibang larangan, lalo pa't ang Guangdong ay mahalagang daanan ng "Belt and Road" at manufacturing base ng daigdig, at ang Pilipinas naman ay isang mahalagang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Aniya pa nawa'y gamitin ng dalawang panig ang mga oportunidad na alok ng Ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ASEAN, China-ASEAN Tourism Cooperation Year at ang Ika-600 Anibersaryo ng Pagdalaw ng Sultan ng Sulu sa Tsina upang mas isulong pa ang mabuting bilateral na relasyon.

Taste of the Philippines

Chicken inasal skewers

Embutido Medallions

Pormal ding binuksan ngayong araw ang Philippine Food Festival sa Garden Hotel. Itatampok ni Chef Justin Sison ang piling mga putaheng Pinoy. Ani Consul General Tang, isa sa mga ito ang "pancit canton" na nagpapakita sa mahabang kasaysayan ng ugnayan sa pagitan ng mga Pilipino at Tsino.

Ginger lemon parfait with black sesame soil in galss

Pancit Canton ang centerpiece dish sa Taste of the Philippines na simbolo ng mahaba at mayamang ugnayang Pilipino-Sino

Pinakbet

Ang Taste of the Philippines ay gaganapin sa Carousel Restaurant ng Garden Hotel mula Hunyo 12 hanggang Hunyo 25, 2017.

Ulat: Mac Ramos

Pulido: Jade Xian

Larawan: Wang Le

Web Editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>