|
||||||||
|
||
Mga reporter mula sa Filipino Service, CRI
Sa pagdiriwang ng Ika-119 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, sa lunsod ng Guangzhou, Guangdong Province ng Tsina, sinalamin ng awiting "Pengyou" ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina.
Si Mark Gonzales, singer na naghandog ng awiting Pngyou sa pagdiriwang ng Ika-119 Anibersaryo ng Pagdeklara ng Kalayaan ng Pilipinas
Si Mark Ginzales habang inaawit ang Pengyou
Pinili ni Mark Gonzales na i-perform ang nasabing kanta dahil aniya ito ay akma sa nanumbalik na mabuting relasyon ng dalawang bansa. Tatlong taon nang nagtatrabaho si Gonzales bilang singer sa isang hotel sa Guangzhou at ang "Pengyou" ay inaral niya para sa mga Chinese customers na paboritong-paborito ang nasabing kanta.
Si Sally Chua (3rd L) at Erlie Pilar (4th L) kasama si ConGen Tang (3rd R)
Ayon kay Erlie Pilar dating Pangulo ng Filipino Community in Guangzhou (FilCom GZ) na espesyal ang pagdiriwang ngayong taon dahil dumalo hindi lamang ang mga Pinoy sa Guangzhou kundi maging ang mga kinatawan ng iba't ibang grupo ng Pinoy sa dakong timog ng Tsina. Aniya pa masaya siyang muling makita ang mga kaibigan na matagal na ring naninirahan sa Tsina. Kwento niya na ang mga kaibigang dayuhan ay napaka-interesado ngayon sa Pilipinas at dahil dito hinihimok niya ang kapwa OFW na maging best representative ng mga Pilipino sa Tsina.
Si Roger Castaneda ng Sarap Buhay Group-Sanya
Si Bing Castaneda ng Sarap Buhay Group-Sanya
Ang pamilya Castaneda kasama si ConGen Tang
Mula naman sa Sanya, dala nina Roger at Bing Castaneda ang kanilang buong pamilya, kabilang ang kanilang sanggol na apo para makisaya sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Ani Roger Castaneda, na Pangulo rin ng Sarap Buhay Group sa Sanya na importante ang pagdalo sa ganitong okasyon dahil sagisag ito ng lahat ng mga ipinaglaban ng bayaning Pilipino.
Si Sally Chua ng Barangay China ng Shenzhen
Para naman kay Sally Chua, kinatawan ng core members ng Barangay China na nakabase sa Shenzhen masaya siya dahil sa araw ring ito, Hunyo 12, 2017 muling nabawi ng pamahalaan ang kontrol sa Marawi City. At sa araw na ito idinaos ang flag raising ceremony at inawit ang Lupang Hinirang sa nasabing lunsod na kamakailan ay nasailalim sa madugong sagupaan sa pagitan ng pamahalan at Maute Group. Panawagan niya sa mga kababayang igalang ang batas at sumunod sa gusto ng pamahalaan ng Pilipinas.
Ulat: Mac Ramos
Pulido: Jade Xian
Larawan: Wang Le, Nino Kanapi, at Sally Chua
Web Editor: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |