Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Selebrasyon ng Ika-119 na Taon ng Kasarinlan ng Pilipinas, idinaos sa Beijing: prospek ng relasyong Pilipino-Sino, puno ng buhay

(GMT+08:00) 2017-06-13 15:59:46       CRI

Kong Xuanyou (kaliwa) at Jose Santiago Sta Romana (kanan) habang nagkakamay

Isang malaking pagtitipong dinaluhan ng mga opisyal at personahe mula sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Tsina, komunidad ng diplomasya, komunidad ng negosyo, media at marami pang iba ang idinaos, Hunyo 12, 2017 sa Chaoyang Ballroom ng Grand Millenium Beijing bilang selebrasyon para sa Ika-119 Taong Kasarinlan ng Pilipinas.

Embahador Jose Santiago Sta Romana

Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Embahador Jose Santiago Sta Romana, Sugo ng Pilipinas sa Tsina, na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, naghahawak-kamay ang mga Pilipino para mapuksa ang terorismo, korupsyon, at iligal na droga.

Gayundin, seryoso aniya ang Pilipinas na maitayo ang isang bansang masagana at maunlad sa pamamagitan ng imprastruktura at inobasyon.

Nais aniyang ng Pilipinas na tumahak sa isang indipindiyenteng polisiyang panlabas, at ang relasyon ng Pilipinas sa Tsina ay isang napakahalagang bahagi nito.

Aniya pa, ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Tsina noong Oktubre 2016 ay isang napakahalagang kaganapang muling nakapagpasigla sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at naghahatid ngayon ng mga kapansin-pansing benepisyo sa mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina.

Kong Xuanyou (kaliwa) at Jose Santiago Sta Romana (kanan) habang hinihiwa ang cake ng pagkakaibigan

Binanggit din ni Sta Romana, na noong Hunyo 9, 2017, ipinagdiwang ng Pilipinas at Tsina ang Ika-42 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Diplomatikong Relasyon ng dalawang bansa.

Ipinagmalaki niyang magmula noong Oktubre 2016, muling nagsimula ang bilateral na mekanismong pandiyalogo ng dalawang bansa sa maraming larangang gaya ng kooperasyon sa ekonomiya, agrikultura, pangingisda at iba pa.

Bukod diyan, sinabi pa ng embahador na isinagawa na rin ng dalawang panig ang inagural na pagtatagpo sa pagitan ng mga coast guard ng dalawang bansa, at konsultasyon hinggil sa mga sensitibong isyu ng South China Sea.

Umaasa aniya siyang lalo pang hihigpit at lalalim ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa maraming larangan.

"Ang kooperasyon sa mga kapit-bansa mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), dialogue partner, at buong mundo ay isa pang mahalagang bahagi ng polisiyang panlabas ng Pilipinas," dagdag ng embahador Pilipino.

Nagpasalamat din si Sta Romana sa tulong at suporta na ibinibigay ng lahat ng panig upang maabot ng Pilipinas ang mga mithiin nito.

Kong Xuanyou, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Kong Xuanyou, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina ang mainit na pagbati sa Ika-119 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga kaibigan na tumutulong pabutihin at pahigpitin ang relasyong Sino-Pilipino.

Sa ilalim aniya ng pamumuno ni Pangulong Duterte, natamo ng Pilipinas ang maraming pag-unlad.

Masaya aniya ang Tsina sa mga pag-unlad na natamo ng Pilipinas, at patuloy itong umaasa sa marami pang pagsulong na namakakamtan ng bansa sa hinaharap.

Ani Kong, simula nang maitatag ang diplomatikong realasyon ng Tsina at Pilipinas, 42 taon na ang nakalipas, napakarami ang mga nakamtang bunga.

Kong Xuanyou (kaliwa) at Jose Santiago Sta Romana (kanan) habang ginagawa ang ceremonial toast para sa pagkakaibigan

Noong isang taon, sa ilalim ng pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Duterte, bumalik sa tamang landas ang realsyon ng dalawang bansa, pumasok ang bagong panahon ng pag-unlad sa maraming larangan, muling inilunsad ang bilateral na diyalogong pandagat para sa kooperasyon, at ang prospek ng relasyon ng dalawang bansa ay punung-puno ng bitalidad at buhay.

Aniya pa, ang Tsina at Pilipinas ay mabuting magkapit-bansa at matalik na magkaibigan, na handang tumulong sa isat-isa at handang makibahagi sa isang komong kinabukasan.

Umaasa aniya siyang lalo pang lalakas ang relasyon ng Tsina at Pilipinas para sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang mga mamamayan.

Ulat: Rhio

Larawan: Ernest

Web Editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>