|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

2017 China-ASEAN Friendship Concert

Group picture ng mga mang-aawit ng mga bansang ASEAN at Tsina, at mga pangunahing panauhin

Mga manonood sa konsiyerto
Idinaos ngayong gabi, Biyernes, ika-8 ng Disyembre 2017, sa Zhengzhou, lalawigang Henan sa gitna ng Tsina, ang Ika-3 China-ASEAN Friendship Concert.

Bilang kinatawan ng Pilipinas, si Christian Bautista ay nagtanghal, kasama ng 9 na mang-aawit mula sa ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at 3 mang-aawit ng Tsina. Kinanta ni Bautista ang isa sa kanyang obra na "Kapit." Nakipag-duet din siya sa mang-aawit na Tsino na si Chen Xi, para sa isang awiting Tsino na "Because of Love."

Mang-aawit ng Malaysia

Mang-aawit ng Myanmar

Mang-aawit ng Singapore

Mang-aawit ng Thailand

Mang-aawit ng Biyetnam
Pawang binigyan ng mataas na pagtasa ng mga kalahok na mang-aawit at mga kinatawan ng media ng mga bansang ASEAN ang tagumpay ng konsiyerto. Anila, ito ay magandang plataporma para sa pagtatanghal at pagpapalitan ng sining at kultura ng 10 bansang ASEAN at Tsina, at dinaragdagan nito ang pag-uunawaan at pagkakaibigan. Umaasa rin anila silang patuloy na idaraos ang konsiyerto.

Mang-aawit ng Laos

Mang-aawit ng Brunei

Mang-aawit ng Indonesya

Mang-aawit ng Kambodya
Ang konsiyertong ito ay nasa magkasamang pagtataguyod ng China Radio International at Zhengzhou People's Broadcasting Station, katuwang ang mga departamento ng pamahalaan at media ng iba't ibang bansang ASEAN, na kinabibilangan ng National Commission for Culture and the Arts at People's Television ng Pilipinas.
Salin: Liu Kai
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |