Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xu Ningning: Kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN, matatamo ang bagong progreso sa 2018

(GMT+08:00) 2018-01-02 16:00:17       CRI
Ipinahayag kamakailan ni Xu Ningning, Executive Secretary-General ng China-ASEAN Business Association na magtatamo ng bagong progreso ang kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2018.

Ayon kay Xu, kung babalik-tanawin ang taong 2017, ang pag-uugnayan ng konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative at Economic Community ng ASEAN ay nagbibigay ng mahalagang tagapagpasulong na puwersa para sa pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Patuloy at mabilis na lumalaki aniya ang kalakalan at pamumuhunan sa isa't isa ng dalawang panig. Sinabi pa niyang, sa kasalukuyan, dahil sa production capacity ng Tsina at ASEAN, kooperasyon ng konektibidad, upgrading ng ASEAN–China Free Trade Area (ACFTA), upgrading ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) at iba bang hakbangin, tinatayang may malawak na prospek ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN.

Aniya pa, itinakda na ng mga lider ng Tsina at mga bansang ASEAN ang tema ng kooperasyon ng dalawang panig sa 2018, at ito ay inobasyon. Pinalalagay niyang ang inobasyon ay nagbibigay ng mas malaking buhay at sigla sa kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang panig.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>