|
||||||||
|
||
Sinipi nitong Lunes, Enero 8, 2018, ng "Iran Daily" ang pahayag ni Ali Akabar Salehi, Presidente ng Organisasyon ng Atomikong Enerhiya ng Iran, na nagsasabing kung hindi isasakatuparan ng Estados Unidos ang pangako nito sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, posibleng isasaayos ng kanyang bansa ang naunang pakikipagtulungan sa International Atomic Energy Agency (IAEA).
Winika ito ni Salehi sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Yukiya Amano, Direktor-Heneral ng IAEA.
Noong Hulyo, 2015, narating ng Iran at anim na bansa sa nasabing isyu na tulad ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya, ang komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran. Ayon sa kasunduang ito, lilimitahan ng Iran ang planong nuklear nito, habang kakanselahin naman ng komunidad ng daigdig ang sangsyon laban sa Iran.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |