Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng panig opisyal ng Tsina, noong isang taon, ang homicide rate ng Tsina ay 0.81 kaso kada 100 libong tao. Medyo mababa ang bilang na ito, kung titingnan sa buong daigdig. Samantala, mataas ang satisfactory rate ng mga mamamayang Tsino sa seguridad na pampubliko, at umabot ito sa 95.55%.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang Dawei, Propesor ng People's Public Security University of China, na ang dalawang bilang na ito ay nagpapakita ng magandang kalagayan ng seguridad na pampubliko ng Tsina.
Ayon kay Wang, nitong ilang taong nakalipas, ginagamit ng Tsina ang mga hay-tek na kagamitan sa mga gawain ng pulisya. Ini-adopt aniya ang bagong ideya hinggil sa pagpapahalaga sa paglaban sa terorismo, paghawak ng mga biglaang pangyayari, at pangongolekta ng impormasyon, at aktibo ring lumalahok ang mga karaniwang mamamayan sa pangangalaga sa seguridad. Ang mga ito aniya ay mga dahilan sa pagpapanatili ng magandang kalagayan ng seguridad na pampubliko ng bansa.
Salin: Liu Kai