Ang Chishui City sa dakong hilaga ng Lalawigang Guizhou, Tsina ay mahalagang green frontier sa dakong itaas ng Ilog Yangtze. 82.85% ang forest coverage rate ng lunsod, na nangunguna sa buong lalawigan, maging ng bansa.
Sa proseso ng pagbabawas ng saklaw ng bukirin para madagdagan ang saklaw ng kagubatan, batay sa bentaheng heograpikal nito, malawakang tinamnan ang Chishui ng kawayan, at puspusang pinaunlad ang industriya ng kawayan. Sa gayo'y unti-unti nang gumiginhawa ang buhay ng mga mamamayan sa lokalidad.
Noong 2017, umabot sa 6.3 bilyong yuan RMB ang komprehensibong halaga ng produksyon ng mga kagubatan ng kawayan sa buong lunsod, at ibinebenta sa Timog-silangang Asya ang mga produkto ng organic bamboo shoot.
Salin: Vera