Madalas na makikita ngayon sa Jinshanling Great Wall, Luanping County ng Lalawigang Hebei ng Tsina ang makakapal na mga ulap. Tila karagatan ng ulap, gumagalaw ang mga alapaap sa pagitan ng mga bundok, at napakarikit ng tanawin.
Ang Jinshanling Great Wall ay isa sa mga pinakamagandang bahagi ng Great Wall. Nagtatampok ito ng mga barrier wall, laryong may titik at pader para sa paghadlang sa mga kabayo. Kilalang kilala rin ito bilang mala-paraisong lugar para sa mga apisyunado sa pagkuha ng larawan.
Salin: Vera