Si Yang Changqin ay ika-5 henerasyong tagapagmana ng teknik ng paghahabi ng kawayan sa sinaunang nayon ng Datong sa Chishui City, Lalawigang Guizhou ng Tsina. Siya rin ang pinakabatang deputado ng kongresong bayan sa delegasyon ng Guizhou sa mga taunang sesyon ng Pambansang Kongreso Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa kasalukuyang taon.
May malaking pangarap si Yang na palaganapin ang teknik ng paghahabi ng kawayan sa pamilihan, at likhain ang sarili niyang masterpiece.
Sa kasalukuyan, may mahigit 30 pirmihang manggagawa sa pagawaan ni Yang Changqin, at umabot sa 3 milyong yuan RMB ang taunang kinikita. Inaasahan niyang sa pamamagitan ng industriya ng kawayan, matutulungan niya ang mas maraming taganayon na mapawi ang kahirapan.
Salin: Vera