Ang tanawin ng alapaap at ulan sa Bundok Wushan, Munisipalidad ng Chongqing ng Tsina, ay hinangaan ng mga potograpo nitong ilang linggong nakalipas. Nasa sentro ng Three Gorges ng Ilog Yangtze ang Wushan. Maraming mga marikit na bundok sa kahabaan ng Ilog Yangtze, na binubuo ng katangi-tanging tanawin ng bangin.
Sa magkabilang pampang ng bangin, namumuhay rito ang mga rhesus macaque, at regular pinapakain sila ng pamahalaang lokal. Kasabay ng pag-iimbak ng tubig ng Three Gorges Reservoir ng Ilog Yangtze at pagbuti ng kapaligirang ekolohikal, pinalawak ng mga matsing ang habitat nila, at hanggang ngayon, lampas na sa 3,000 ang bilang ng mga rhesus macaque sa Lesser Three Gorges.
Salin: Vera