Ang Longquan celadon, Longquan sword at Qingtian stone carving ay tinatawag na "tatlong tampok" ng Lishui City, Lalawigang Zhejiang ng Tsina. Kumakatawan ang mga ito sa kultura ng Lishui.
Mahigit 2,600 taon ang kasaysayan ng Longquan sword, at kinikilala itong ninuno ng Chinese sword. Inihadog minsan ito sa mga dayuhang lider at kaibigan, bilang pambansang regalo.
Ang Longquan celadon naman ay isa sa mga kilalang celadon sa kasaysayan ng Tsina. Ibinenta minsan ito sa iba't ibang bansa sa daigdig. Sa kasalukuyan, ang Longquan celadon ay itinatanghal sa mga pambansang museo ng mga bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Pakitan, Singapore, India, Sri Lanka, Thailand, Biyetnam, Iraq, Hapon, Iran, Turkey at iba pa.
Isa sa 4 na pambansang bato ng Tsina ang Qingtian stone, at mahigit 6,000 taon ang kasaysayan ng Qingtian stone carving. Maraming beses itong pinili bilang pambansang regalo, at mas mahal kaysa ginto ang halaga nito.
Salin: Vera