Kinatagpo kahapon, Biyernes, ika-24 ng Agosto, 2018, sa Bangkok, si Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina, ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand.
Ipinahayag ni Wang, na sa ilalim ng pagpapasulong ng mga lider ng dalawang bansa, masigla ang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai, at mabunga ang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Thailand, na pasulungin ang mga malaking proyektong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road at Eastern Economic Corridor, para ibayo pang umunlad ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Chan-ocha, na lubos na pinahahalagahan ng Thailand ang pagkakaibigan sa Tsina. Ipinahayag niya ang kahandaan ng Thailand na aktibong lumahok sa Belt and Road Initiative, at pagtanggap naman sa paglahok ng mga bahay-kalakal na Tsino sa konstruksyon ng Eastern Economic Corridor. Sinabi rin niyang pasusulungin ng Thailand ang kooperasyon ng ASEAN at Tsina.
Salin: Liu Kai