
Binuksan kahapon, Biyernes, ika-14 ng Setyembre 2018, sa Beijing, ang Ika-7 Pambansang Kongreso ng Samahan ng mga May-kapansanan ng Tsina.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas at nagpahayag ng pangungumusta sa mga kalahok, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalahim ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Pangulo ng bansa.
Sa ngalan naman ng partido at pamahalaan, bumigkas ng talumpati si Han Zheng, Pangalawang Premyer Tsino.
Sinabi niyang, nitong mga taong nakalipas, kasunod ng pag-unlad ng bansa, sumusulong din ang usaping may kinalaman sa may-kapansanan ng Tsina. Napapalakas aniya ang sistemang pangkagalingan at mga garantiyang panlipunan para sa mga may-kapansanan, at nag-iibayo ang pagpapahalaga sa kanilang mga karapatan at kalusugan. Dagdag ni Han, patuloy na magsisikap ang partido, pamahalaan, at buong lipunan ng Tsina, para magkaroon ng mas maligayang pamumuhay ang mga may-kapansanan ng bansa.
Salin: Liu Kai