Ayon sa ulat na inilabas ngayong araw, Linggo, ika-7 ng Oktubre 2018, ng panig opisyal ng Munisipalidad ng Chongqing sa timog kanluran ng Tsina, nitong halos tatlong taong nakalipas, sa ilalim ng China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity, nilagdaan na ng dalawang panig ang 118 proyektong pangkooperasyon, na nagkakahalaga ng 21.4 bilyong Dolyares.
Ang China-Singapore (Chongqing) Demonstration Initiative on Strategic Connectivity ay sinimulan noong Nobyembre, taong 2015. Ito ay ikatlong proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng mga pamahalaan ng Tsina at Singapore, pagkaraan ng China-Singapore Suzhou Industrial Park at Sino-Singapore Tianjin Eco-City. Mayroon itong 4 na pangunahing larangang pangkooperasyon, na kinabibilangan ng pinansyo, abiyasyon, lohistika, at teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon.
Salin: Liu Kai