Sa sidelines ng Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na ginanap nitong Biyernes sa Dushanbe, Tajikistan, nakipagtagpo si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Punong Ministro Sergei Rumas ng Belarus.
Sina Premyer Li (kanan) at Punong Ministro Rumas (kaliwa)
Kinilala ng dalawang lider ang mga natamong bunga sa komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Belarus na nagtatampok sa pagtitiwalaan at komong kasaganaan. Ipinahayag nila ang kagalakan sa pagpapatupad ng Industrial Park ng Tsina't Belarus bilang maagang ani ng magkasamang pagpapasulong ng dalawang panig sa Belt and Road Initiative (BRI). Nakahanda rin ang dalawang punong ministro na ibayo pang pasusulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa turismo, mas mataas na edukasyon, at pagpapalitan ng mga tao.
Salin: Jade
Pulido: Rhio