|
||||||||
|
||
Sa sidelines ng Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na ginanap nitong Biyernes sa Dushanbe, Tajikistan, nakipagtagpo si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Abdullah Abdullah, Punong Ehekutibo ng Afghanistan.
Sina Premyer Li (kaliwa) at Punong Ehekutibo Abdullah
Ipinahayag ni Abdullah ang palagiang pagkatig ng Tsina sa Afghanistan sa iba't ibang larangan, lalo na sa rekonstruksyon at rehabilitasyon ng bansa.
Ipinahayag naman ni Premyer Li ang patuloy na pagsuporta ng Tsina sa rekonsilyasyong pulitikal ng Afghanistan.
Nakahanda ang dalawang lider na ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina't Afghanistan sa kabuhaya't kalakalan, paggawa ng koryente, agrikultura, paglaban sa terorismo, at pagpapasulong ng pagtutulungan ng Tsina-Afghanistan-Pakistan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |