Tulad ng maraming lunsod ng Tsina, sumaksi ang Hangzhou sa malaking pagbabago sa proseso ng reporma at pagbubukas sa labas ng bansa. Sa episode na ito ng "Pagsasalaysay ng mga Kuwento ni Xi Jinping," pupunta tayo sa timog ng Tsina at pakikinggan ang kuwentong pinamagatang "Kuwento ng Hangzhou."
Noong taong 2016, idinaos ang G20 Summit sa Hangzhou. Sa seremonya ng pagbubukas, nagtalumpati si Xi Jinping, at sinabi niyang "Ang Hangzhou ay isang lunsod na kialala sa mahabang kasaysayan at kultura, at ito rin ay isang sentro ng kabuhayan at kalakalan. Marami ang mga alamat hinggil sa Hangzhou, at ngayon, lipos ng sigla ang lunsod na ito sa inobasyon at e-commerce. Maganda rin ang natural na kapaligiran ng Hangzhou, at ang estilo ng lunsod na ito ay may katangiang Tsino."
Ani Xi, nitong ilang dekadang nakalipas, napapabuti ang pamumunay ng mga ordinaryong pamilya sa pamamagitan ng sariling nilang mga kamay, at ang iba't ibang mga maliit na pagbabago ay natitipon at nagiging malaking puwersang nagpapasulong ng pag-unlad ng bansa.
salin:Lele