Sa paanyaya ng pamahalaan ng Singapore, mula ika-5 hanggang ika-7 ng Nobyembre, local time, dumadalaw sa Singapore si Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina. Magkahiwalay na kinatagpo siya nina Pangulong Halimah Yacob at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore.
Sa mga pagtatagpo, sinabi ni Wang na nitong nakalipas na ilang taon, malalimang umunlad ang relasyong Sino-Singaporean, at nakinabang dito ang kapuwa panig at buong rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na walang humpay na palalimin ang kooperasyon sa Singapore sa iba't ibang larangang gaya ng konstruksyon ng Belt and Road.
Ipinahayag naman ng dalawang lider ng Singapore na ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at ang pagpapasulong sa relasyong Sino-ASEAN ay mahalagang target ng ASEAN. Anila, ang sistema ng multilateral na kalakalan ay pinakamabisang mekanismo ng paglutas sa kasalukuyang alitang pangkalakalan, at may komong paninindigan ang Tsina at Singapore sa pangangalaga sa multilateralismo.
Salin: Vera