|
||||||||
|
||
Teheran — Idinaos mula noong Disyembre 7 hanggang 8, 2018, ang Ika-2 Pulong ng mga Ispiker ng "Anim na Bansa". Tinalakay sa pulong ang tungkol sa mga temang gaya ng pagbibigay-dagok sa terorismo, pagpapalakas ng panrehiyong konektibidad, at marami pang iba. Pinagtibay sa pulong ang "Teheran Declaration." Dumalo ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Chen Zhu, Pangalawang Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.
Ipinahayag ni Chen na dapat pasulungin ng anim na bansa ang kooperasyon sa mga gawain kontra-terorismo, at dapat ding isagawa ang bagong ideyang panseguridad. Aniya, ang pagpapalakas ng konektibidad ay nakakatulong sa paglilikha ng matatag na pundasyon para sa pagbibigay-dagok sa terorismo at pagpawi ng banta mula sa terorismo.
Dumalo sa nasabing pulong ang mga lider mula sa anim na bansang kinabibilangan ng Tsina, Pakistan, Afghanistan, Iran, Rusya, at Turkey.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |