Noong Agosto 17 at 18, magkakasunod na naganap ang mga marahas na pag-atake sa ilang bansang Europeo, na gaya ng Espanya, Finland, at Alemanya.
Kabilang dito, magkahiwalay na naganap kamakalawa sa Barcelona, Espanya, at Cambrills, isang maliit na bayan ng bansang ito, ang insidente ng pagsagasa ng van sa mga tao. Ikinamatay ang mga ito ng 14 na katao, at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa.
Kahapon naman, naganap ang pananaksak sa Turku, lunsod sa timog kanlurang bahagi ng Finland, na ikinamatay ng 2 katao, at ikinasugat ng 8 iba pa. Naganap din ang parehong pag-atake sa Wuppertal, lunsod sa kanlurang bahagi ng Alemanya, na ikinamatay ng 1, at ikinasugat ng 1 pa.
Hanggang sa kasalukuyan, inako ng Islamic State ang responsibilidad sa mga atake sa Espanya. Pero, wala pang organisasyon o indibiduwal ang umangkin ng responsibilidad sa mga insidente sa Finland at Alemanya.
Ang mga teroristikong pag-atake sa Espanya ay kinokondena ng komunidad ng daigdig. Ipinadala nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga mensahe ng pakikiramay kina King Felipe VI at Punong Ministro Mariano Rajoy ng Espanya. Ipinahayag din nila ang pagtutol ng Tsina sa terorismo.
Salin: Liu Kai