Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yang Jiechi, dumalo sa unang Pulong ng Komisyong Konsultatibo ng "Belt and Road" Forum for International Cooperation

(GMT+08:00) 2018-12-16 15:16:34       CRI

Beijing — Dumalo at bumigkas ng talumpati Linggo, Disyembre 16, 2018, si Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa seremonya ng pagbubukas ng unang Pulong ng Konsultatibong Komisyon ng "Belt and Road" Forum for International Cooperation.

Ipinahayag ni Yang na nitong limang taong nakalipas sapul nang iharap ang inisyatibang "Belt and Road," nakuha nito ang positibong pagkatig mula sa komuidad ng daigdig. Aniya, ang magkakasamang konstruksyon ng "Belt and Road" ay nagiging malawakang komong palagay ng komunidad ng daigdig. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa para mapasulong ang bukas, kooperatibo, at berdeng pag-unlad; at ilabas ang positibong signal ng buong tatag na pagkatig sa multilateralismo sa buong daigdig, ani Yang.

Dagdag pa niya, ang pagtatatag ng nasabing konsultatibong komisyon ay mahalagang bunga ng multilateral na kooperasyon ng "Belt and Road." Umaasa aniya siyang aktibong ihaharap ng mga kalahok ang kanilang mungkahi upang magkakasamang mapasulong ang pandaigdigang kooperasyon ng "Belt and Road."

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>