Kinatagpo Enero 8, 2018, ni Fernando Chui Sai On, Punong Ehekutibo ng Macao Special Administrative Region (MacaoSAR) si Xu Liangcai, bagong talagang Kumander ng Chinese Peoples Liberation Army (PLA) sa Macao. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa pangangalaga ng seguridad at kasaganaan ng Macao.
Sa ngalan ng pamahalaan ng Macao, tinanggap ni Chui ang pagtupad sa tungkulin ni Xu bilang Kumander ng PLA sa Macao. Sinabi ni Chui na nitong 19 na taong nakalipas sapul nang itatag ang MacaoSAR, laging kumakatig ng tropa sa mga gawain ng pamahalaan ng MacaoSAR. Mahigpit nilang tinutupad ang kanilang mga tungkuling panseguridad, alinsunod na batas, dagdag ni Chui.
Salin:Lele