Sa media tour sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang na sinimulan Huwebes, ika-10 ng Enero 2019, bumisita ang mga mamamahayag mula sa Turkey, Ehipto, Afghanistan, Pakistan, Bangladesh at Sri Lanka, sa eksibisyon hinggil sa mga malaking teroristiko at marahas na kaso sa Xinjiang.
Ipinakita ng eksibisyon sa mga bisita ang maraming teroristiko at marahas na kaso sa Xinjiang na ginawa sapul noong 1990s ng mga separatista, ekstrimista, at teroristang puwersa mula sa loob at labas ng Tsina. Bilang tugon sa kalagayang ito, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga malakas na hakbangin ng paglaban at pag-iwas ng teroristiko at marahas na kaso. Walang naganap na mga kasong ito nitong 25 buwang nakalipas, at malinaw na napabuti ang seguridad na pampubliko sa Xinjiang.
Pagkaraang bumisita sa eksibisyon, ipinahayag ng mga dayuhang mamamahayag, na ang terorismo ay panlahat na kaaway ng sangkatauhan, at dapat magtulungan ang iba't ibang bansa sa paglaban sa terorismo. Pinapurihan din nila ang mga mabisang hakbangin laban sa terorismo ng pamahalaang Tsino, at umaasa silang pananatilihin ang pangmatagalang katiwasayan sa Xinjiang.
Salin: Liu Kai