Ipinalabas ngayong araw, Huwebes, Hunyo Dos 2016, ng Tanggapang Pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang white paper hinggil sa kalayaan sa pananampalataya sa Xinjiang Uygur Autonomous Region.
Anang white paper, komprehensibong ipinapatupad sa Xinjiang ang kalayaan sa pananampalataya, lubos na iginagalang ang karapatan ng mga lokal na residente sa kalayaan sa pananampalataya, at mahusay na natutugunan ang pangangailangang panrelihiyon ng mga mananampalataya. Ayon pa rin sa white paper, sa Xinjiang, maganda ang papel ng sirkulong panrelihiyon sa pagpapasulong ng kaunlaran ng kabuhayan at katatagan ng lipunan, malakas ang kakayahan ng pamahalaan sa pangangasiwa sa mga suliraning panrelihiyon, malawak ang pakikipagpalitang panlabas sa aspekto ng relihiyon, at napipigilan ang pagkalat ng ekstrimismong panrelihiyon.
Dagdag ng white paper, sa kasalukuyan, ang kalagayan ng kalayaan sa pananampalatayang panrelihiyon sa Xinjiang ay mas maganda kaysa alinmang panahon sa kasaysayan. Anito, buong tatag na tinututulan ng pamahalaang Tsino ang pagsasapulitika ng isyung panrelihiyon, at paggamit ng isyung panrelihiyon para makialam sa suliraning panloob ng Tsina.
Salin: Liu Kai