Ipinalabas ngayong araw, Huwebes, June 1 2017, ng State Council Information Office ng Tsina, ang white paper hinggil sa usapin ng karapatang pantao sa Xinjiang Uygur Autonomous Region, na matatagpuan sa hilagang kanlurang bansa.
Nakasaad sa white paper ang mga natamong progreso at bunga sa usapin ng karapatang pantao sa Xinjiang sa mga aspekto ng pulitika, civic rights, kabuhayan, lipunan, kultura, kapaligirang ekolohikal, pananampalataya, at iba pa.
Anang white paper, noong 1955, sa pamamagitan ng pagpapairal ng regional ethnic autonomy system sa Xinjiang, naisakatuparan ang ibayo pang paggagarantiya sa mga karapatan ng mga mamamayan ng iba't ibang etniko sa lokalidad, bilang tagapamahala sa rehiyong awtonomong ito. Sapul naman nang isagawa ang pagbubukas at reporma sa Tsina noong 1978, pumasok sa bagong yugto ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Xinjiang, at walang humpay na tumataas ang lebel ng karapatang pantao ng mga lokal na mamamayan.
Tinukoy din ng white paper, na nitong ilang taong nakalipas, itinakda ng pamahalaang sentral ng Tsina ang pagsasakatuparan ng pangmatagalang katatagan at katiwasayang panlipunan bilang pangkalahatang target ng iba't ibang gawain sa Xinjiang, at gawing priyoridad ang paggagarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Anito, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng iba't ibang usapin sa Xinjiang, at pagpapasulong ng pagtatamasa ng lahat ng mga mamamayan ng bungang dulot ng pag-unlad, walang humpay na nagtatamo ng bagong progreso ang usapin ng karapatang pantao sa Xinjiang.
Salin: Liu Kai