Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Afghani, isusulong

(GMT+08:00) 2019-01-13 15:08:08       CRI

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan kay Hamdullah Mohib, Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng Pangulo ng Afghanistan, tinukoy ni Guo Shengkun, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang matagumpay na pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Ashraf Ghani sa Summit ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Qingdao, ay nakapagbigay ng ibayo pang patnubay sa direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya ang dalawang panig na mabuting maisasakatuparan ang komong palagay ng dalawang lider para walang humpay na mapataas ang lebel ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Guo, nakahanda ang law enforcement department ng Tsina na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Afghanistan sa larangan ng paglaban sa terorismo, seguridad sa hanggahan, at iba pa, para mapangalagaan ang seguridad at kapakanan ng pag-unlad ng dalawang bansa at mapasulong ang kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Ipinahayag naman ni Mohib na patuloy at matatag na bibigyang-dagok ang terorismo. Umaasa aniya ang kanyang bansa na mapapalakas ang kooperasyong Afghani-Sino sa aspekto ng pagtutupad ng batas.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>